^

Bansa

Jinggoy at JV nagpatutsadahan sa social media

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy at JV nagpatutsadahan sa social media
Kahapon ay tinanggap na ni Jinggoy ang pagkatalo sa nakaraang senatorial election. Ipinarating niya ito sa kanyang post sa Facebook.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tapos na ang halalan, pero hindi pa dito natatapos ang iringan ng magkapatid na sina Sen. JV Ejercito at dating senador Jinggoy Estrada.

Kahapon ay tinanggap na ni Jinggoy ang pagkatalo sa nakaraang senatorial election. Ipinarating niya ito sa kanyang post sa Facebook.

Pinagbasehan ni Estrada ang unofficial count kung saan hindi siya pinalad na makapasok sa tinatawag na “magic 12”.

Bagaman at naglalaban pa sa number 12 sina Sen. Nancy Binay at kapatid niyang si JV, mas pinaboran at binati ni Estrada si Binay.

“Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Keep it up! You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend,” sabi ni Estrada.

Halata namang ang kapatid na si Ejercito ang pinatatamaan ni Estrada sa pahayag na “better person” si Binay kaya dapat manalo at maging number 12.

Nag-post naman si Ejercito sa kanyang Twitter account ng salitang “Bitter” na halatang patama kay Estrada.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

JV EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with