^

Bansa

Manila, San Juan, Pasig dynasties taob sa halalan 2019

James Relativo - Philstar.com
Manila, San Juan, Pasig dynasties taob sa halalan 2019
Kuha ng mga baong Pasig Mayor Vico Sotto (kaliwa) San Juan Mayor Francis Zamora (gitna) at Manila Mayor Isko Moreno (kanan).
Facebook/Vico Sotto, Isko Moreno Domagoso; The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Sa katatapos lang na 2019 midterm elections, kapansin-pansin ang pagkakalansag mula sa pwesto ng mga mayor na political families sa Kamaynilaan.

Ilan dito ang noo'y tila 'di magiba-gibang pamamayag ng ilang pamilya sa Maynila, Pasig at San Juan.

Maynila sa ilalim ni Isko

Sa kabisera ng bansa, wagi bilang bagong alkalde ng Maynila ang aktor at dating vice mayor na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Iprinoklamang wagi si Domagoso bago magbukang-liwayway sa San Andres Sports Complex.

Ilan sa mga tinalo niya ang mga beterano sa pulitika ng Maynila na sina incumbent Joseph "Erap" Estrada at dating Mayor Alfredo Lim.

Kilalang balwarte ng mga Estrada-Ejercito ang Maynila, San Juan, Laguna at iba pa. 

"I think it's high time for everybody to participate in this new government of the City of Manila," sabi ng bagong mayor sa press kanina.

Noong 5:30 a.m. ng Martes, nakakuha si Domagoso ng 348,425 na boto, laban sa 204,084 ni Estrada. 

Nakakuha ng 134,631 sa ikatlong pwesto si Lim kahit na in-endorso ng PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo-Duterte.

Ang running mate naman ni Isko na si Honey Lacuna, na siya ring incumbent na bise mayor, ay naseguro ang kanyang ikalawang termino.

Pasig pamumunuan ng millenial

Matapos ang 27 taong pamamayagpag ng pamilya Eusebio sa Lungsod ng Pasig, ibang pangalan naman ang nakatakdang umupo bilang mayor nito — ang 29-anyos na si Vico Sotto.

Ayon sa partial results at 96% presinto na binilang, lumalabas na nakakuha raw ng 201,028 na boto si Sotto kontra sa 116,414 ni Bobby Eusebio.

"Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig," sabi niya sa isang pahayag.

Inaantay na lang niya na pormal na maproklama, at kwinestyon ang diumano'y mabagal na aksyon.

"It is mathematically impossible for our opponents to win," sambit ng batang pulitiko alas-nuebe y media ng umaga, na siyang incumbent councilor din.

Maliban kay Vico, inaasahan ding maidedeklarang kinatawan ng Pasig si Roman Romulo matapos makakuha ng 216,202 laban kay Ricky Eusebio na nakakuha ng 94,362.

Panalo naman ang unopposed vice mayoral bet na si Iyo Christian Bernardo na nakakuha ng 253,607 as of 2:46 a.m.

San Juan 'di na Estrada country?

Ganap na 11:08 ng gabi nitong Lunes, iprinoklama bilang alkalde ng San Juan si Francis Zamora, matapos talunin si Janella Ejercito Estrada.

Ito ang unang beses na makauupo bilang mayor ng San Juan ang sinumang labas sa pamilya ng mga Estrada-Ejercito sa loob ng halos kalahating siglo.

"Since 1969, San Juan has been under their family. Right now, they won't reach 50 years. They will only control San Juan for 49 years," sabi niya sa panayam ng CNN Philippines.

Ayon sa City Board of Canvassers, nakakuha si Zamora ng 35,060 boto, habang nakakuha si Estrada ng 24,813.

Si Estrada ay anak din ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Anak si Zamora ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora, na muling nagwagi (35,386) bilang kinatawan ng tanging distrito ng San Juan City laban sa aktor na si Edu Manzano (23,627).

"Sa tingin ko nagsalita na ang San Juan at malinaw na malinaw ang sinasabi nila. Basically, they’re saying they wanted change," sabi ng nakatatandang Zamora sa mga reporter.

Wagi rin ang running mate ni Francis na si Warren Villa, na nakakuha ng 28,882 laban kina Leonardo Celles at Glenn Angeles na nakakuha ng 24,465 at 3,104.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

MANILA

PASIG

POLITICAL DYNASTIES

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with