^

Bansa

20 patay sa midterm polls

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
20 patay sa midterm polls
Base sa tala ng PNP, nasa 40 katao ang nasawi sa pre-election period noong 2016 habang nasa 40 naman sa pre-election period noong 2013 elections.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot sa 20 katao ang naitalang nasawi kaugnay ng pagdaraos ng midterm elections sa taong ito sa kabuuang 43 mga pag-atake na naitala simula ng campaign period noong Enero ng taon.

Sa kabila nito, sinabi ni Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde na 60% pa ring higit na mababa ang mga insidente ng karahasang naitala sa midterm polls sa taong ito kumpara sa 106 mga insidente ng karahasan na nairekord noong 2016 presidential elections.

Nasa 61 milyong botante ang itinalang bumoto ng Comelec kahapon para sa posisyon ng mga Senador, Kongresista, Board member, Partylist Reps, mga alkalde, bise alkalde at iba pa.

Base sa tala ng PNP, nasa 40 katao ang nasawi sa pre-election period noong 2016 habang nasa 40 naman sa pre-election period noong 2013 elections.

Samantalang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagta-tally ng PNP sa mga karahasang may kinalaman sa 2019 midterm elections hanggang sa proklamasyon ng mga kandidato.

Nasa 23 insidente naman ng Election Related Violent Incidents (ERVIs) ang naitala ng PNP sa araw ng halalan noong 2016 habang tig-8 namang mga insidente  ng karahasan ang nairekord sa araw ng eleksyon noong 2013 at 2010.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with