^

Bansa

149 naaresto sa vote buying

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
149 naaresto sa vote buying
Itinuturo ni NCRPO Chief, P/Major Gen. Guillermo Eleazar ang mga nakuhang ebidensiya ng vote selling at vote buying mula sa 60 katao na naaresto sa Makati City.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Umabot na sa 149 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa vote buying sa buong Pilipinas.

Base sa datos ng PNP-National Election Monitoring Action Center (NEMAC), 159 ang violators, habang 149 ang naaresto samantalang 10 dito ang nakatakas.

Sa breakdown ng PNP-NEMAC, sa mga naaresto, 108 dito ang sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ikinasa ang mga ope­rasyon sa mga lungsod ng Malabon, Muntinlupa, Quezon City at Makati City.

“Sa ating bilang ay mahigit na 80, almost 100 kung ‘di ako nagkakamali [ang naaresto]. Sa Malabon ay isa, sa Muntinlupa ay 17, 26 sa Quezon City, at dito naman sa Makati kagabi ay 60. So bale, 86 na ang nahuli natin na involved buying and vote selling,” ayon kay NCRPO Director, P/Major Gen. Guillermo Eleazar.

Nakaaresto rin ang Police Regional Office (PRO2) ng 2 : PRO 4A- 25; PRO4B - 3; PRO5 - 4; PRO6 - 8; PRO10 - 2; PRO12 - 6; PROCOR - 1.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 261 o Paglabag sa Omnibus Election Code o Vote Buying and Vote Selling ang mga suspek.

Sa ilalim ng batas, maaaring mahatulan ng pagkakulong na hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit sa anim na taon ang sinumang mapapatunayan sa kasong vote buying at vote selling.

Nagsagawa naman ng inspeksyon sina Elea­zar, Southern Police District director, Brigadier Gen. Eliseo Cruz at Makati City Police chief, Col. Roger Simon sa mga night clubs at convenience stores upang mabatid kung nagbebenta sila ng alak sa mga kustomer.

Ilan sa mga establisimiyento ay nagpakita ng “exemption” sa liquor ban ngunit pinayagan lamang sila magbenta ng alak sa mga dayuhang kliyente. 

Wala namang nahu­ling Pilipino na umiinom ng alak sa naturang mga inspeksyon.  

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VOTE BUYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with