^

Bansa

Pagsisilbi ng warrant of arrest nauwi sa barilan, 4 patay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsisilbi ng warrant of arrest  nauwi sa barilan, 4 patay
Nabatid na sisilbihan sana ng arrest warrant si Nelson Manlos alyas “Boyong” dahil sa kasong pag­labag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

MANILA, Philippines — Patay ang apat katao matapos na makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi sa kanila ng warrant of arrest kamakalawa ng gabi sa Opol, Misamis Oriental.

Nabatid na sisilbihan sana ng arrest warrant si Nelson Manlos alyas “Boyong” dahil sa kasong pag­labag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Pero pagdating ng pulisya sa kanyang bahay sa Vamenta Subdivision sa Barangay Barra dakong alas-11 ay nakipagbarilan umano ito sa mga otoridad, ayon kay Police Maj. Evary Bacunawa, hepe ng Opol Municipal Police station.

Bukod kay Manlos ay nagpaputok din umano ng baril ang mga kasamahan niyang sina Almirante Teneza, Jony Gacrama at Arman Gutierrez, dahilan para gumanti rin ang mga pulis.

Si Monlos ay itinuturing na 3rd most wanted sa Opol, Misamis Oriental.

Narekober sa lugar ng insidente ang 2 kalibre .38 baril, dalawang hand grenade at pitong sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with