^

Bansa

IBP pres., 1 pa pinapa-disbar sa SC dahil kay ‘Bikoy’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
IBP pres., 1 pa pinapa-disbar  sa SC dahil kay �Bikoy�
IBP President Abdiel Dan Elijah S. Fajardo
facebook

MANILA, Philippines — Pinapa-disbar sa Korte Suprema ng grupong Kabalikat Partylist 149 ang pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at incoming president dahil umano sa pagpapahintulot na gamitin ang kanilang pasilidad at resources sa press conference ng self-proclaimed “Bikoy” na si Peter Joemel Advincula.

Sa Complaint Affidavit na inihain sa SC kahapon, nais ng kinatawan ng partido na si Tomas Jose Cabrido na parusahan si IBP President Abdiel Dan Elijah S. Fajardo at ang incoming president na si Domingo Egon Q. Cayosa kaugnay sa paglabag sa Rule 1.02 ng Code of Professional Responsibility na nagsasabing “a lawyer shall not counsel or abet activities at defiance of the law or at lessening confidence in the legal system.”

Kinondena ni Cabrido ang pamunuan ng IBP dahil hinayaan umanong mabahiran ng dungis ang mara­ngal na pangalan ng IBP sa pagkunsinti sa ginawa ni alyas “Bikoy” para atakehin ang Duterte administration na nag-ugnay sa First Familiy sa sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Hindi man lang umano pinigilan si Bikoy ng IBP na maghayag ng ‘slander’ at ‘ seditious words’ sa loob ng IBP hall, habang kitang-kita umano ang logo ng IBP sa background na lumikha ng impresyong suportado siya ng IBP.

vuukle comment

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with