^

Bansa

35-oras na lingguhang trabaho, isinulong sa House

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahain ngayon sa Kongreso ang dalawang panukalang batas ni Albay Rep. Joey Salceda na naglalayong babaan sa 35 oras ang umiiral na 40-oras na lingguhang trabaho ng mga manggagawa sa pamahalaan at pribadong sektor para isulong ang “higit na mataas at makabuluhang paggawa at kagalingan ng mga manggagawa.”

Ayon kay Salceda, ang kanyang HB 9183 at HB 9184 ay naaayon sa pandaigdigang pagbabago tungo sa higit na maigsing oras at mataas na antas ng paggawa dulot ng mga asenso sa teknolohiya at agham.

Pinuna niya na nagkakaisa ang mga ekonomista, mananaliksik at matataas na  institus­yong pangkarunungan sa iginigiit nilang “ang higit na maigsi at ‘fle­xible working week’ ay malaki ang naitutulong para lalong mapasulong ang produksiyon at ekonomiya” at “higit na malusog na panga­ngatawan at pag-iisip ng mga manggagawa kaya higit na mataas ang antas ng produksiyon nila.”

vuukle comment

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with