^

Bansa

Microfinance ‘Nanays’ suportado si Sen. Bam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng buong suporta ang daan-daang Microfinance ‘Nanays’ kay re-electionist Sen. Bam Aquino, sa pagsasabing nakatulong siya para mapaangat ang kanilang buhay sa pamamagitan ng libreng kolehiyo at iba pang batas na sumusuporta sa micro entrepreneurs.

Ipinahatid ng Microfinance ‘Nanays’, o mga benepisyaryo ng sektor ng microfinance, ang kanilang suporta kay Sen. Bam sa isang pagpupulong dito noong Miyerkules.

Sinabi naman ni Bam na humugot siya ng ins­pirasyon mula sa mga nanay sa mga komunidad sa pagsusulong ng batas sa libreng kolehiyo, sa pagsasabing nais niyang matupad ang kanilang pangarap na mapatapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak.

“Ang pangarap ng mga magulang na makatapos ang kanilang anak sa kabila ng hirap sa buhay ang nagtulak sa akin na isulong ang Libreng Kolehiyo,” wika ni Sen. Bam, na isinulong ang batas sa libreng kolehiyo bilang principal sponsor.

Kapag nakakuha ng ikalawang termino, na­ngako si Sen. Bam na isusulong ang pagpasa ng Trabaho Center Bill, na nakatuon sa pagresolba ng problema sa jobs mismatch at mataas na unemployment rate sa bansa.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with