^

Bansa

Meralco may bawas singil sa Mayo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco may bawas singil sa Mayo
Sinabi ng Meralco, dahil sa pagbaba ng singil ng kuryente ng kabuuang P0.2728/kwh ay umaabot na lamang sa P10.2866/kwh ang overall electricity rates nga­yong buwan, kumpara sa P10.5594/kwh noong nakaraang buwan.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Bababa ng mahigit 27 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Mayo.

Sinabi ng Meralco, dahil sa pagbaba ng singil ng kuryente ng kabuuang P0.2728/kwh ay umaabot na lamang sa P10.2866/kwh ang overall electricity rates nga­yong buwan, kumpara sa P10.5594/kwh noong nakaraang buwan.

Ang pagbaba ng si­ngil ay dulot nang ma­laking bawas sa singil sa generation charge, suplay ng mga kakon­tratang planta, transmission charge at iba pang mga buwis.

Nangangahulugan na P55 ang bawas singil sa bayarin ng mga taha­nang kumukonsumo ng 200kWh kada buwan at P82 naman ang matitipid ng mga nakakagamit ng 300kwh kada buwan.

Mababawasan naman ng P110 ang bayarin ng mga nakakakonsumo ng 400kwh kada buwan habang P136 sa 500kwh kada buwan.

vuukle comment

MANILA ELECTRIC COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with