Alert level 1 itinaas sa Mt. Bulusan
MANILA, Philippines — Dahil sa abnormal na aktibidad ng bulkang Bulusan ay itinaas ito sa alert level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, kabilang sa mga abnormal na aktibibad ng Bulusan sa Sorsogon ay ang pagdami ng seismic activity simula nitong Sabado.
Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 16 volcanic earthquakes at pagtaas din ng water temperature sa monitored hot springs.
Bunsod nito kaya mula sa zero alert status ay inilagay ito sa alert status 1 at inabisuhan din ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at maging sa extended danger zone ng Mt. Bulusan.
Pinaiiwas din ng Phivolcs ang mga piloto sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa panganib dulot ng steam driven eruption na sanhi ng hydrothermal processes habang wala naman umanong nagbabadyang magma eruption dito.
Mayo 2015 huling itinaas ang alert level 1 sa Mt. Bulusan at ibinalik naman sa alert level 0 noong Agosto 2018.
- Latest