^

Bansa

10 patay sa election violence

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
10 patay sa election violence
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac base sa data ng PNP sa patuloy na election period monitoring kung saan naka-full alert na ang kapulisan para sa halalan.

MANILA, Philippines — Sampu na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na nasawi kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 13.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac base sa data ng PNP sa patuloy na election period monitoring kung saan naka-full alert na ang kapulisan para sa halalan.

Nabatid na nakapagtala ang PNP ng 22 insidente ng karahasan na ikinamatay ng 10 katao habang 11 naman ang nasugatan simula ng election period nitong Enero 13 hanggang Abril 30 ng taong ito.

Noong Enero 13, 2019 ay ipinatupad ng security forces ang Comelec gun ban sa buong bansa at pinag-ibayo rin ang kampanya kontra loose firearms at checkpoints operations.

Kabilang sa mga nasawi na may kinalaman sa halalan ay sina re-electionist Councilor Jose Antonio “Michael “ Garcia at tiyuhin nitong si Jose Marcelino “Mark” Garcia, dating pangulo ng Association of Brgy. Captain na napatay sa ambush noong Abril 25 habang nangangam­panya sa bayan ng Moises Padilla, Negros Occidental.

Ang magtiyuhin ay kapatid at pamangkin ni incumbent Vice Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo na tumatakbo naman sa pagka-alkalde.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

BERNARD BANAC

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with