^

Bansa

AFP, PNP retirees umapela vs vote buying sa Lanao, Marawi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
AFP, PNP retirees umapela vs vote buying sa Lanao, Marawi
Ang apela ay bukod na sinuportahan ng abogadong si Salic Dumarpa ng Lanao del Sur at 675 voters na nag-execute ng kanilang affidavits para kum­pirmahin ang alegas­yon ng mga dating opis­yal ng militar at pulisya sa Marawi at mga kalapit na bayan.
Kj Rosales

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Phi­lippines at Philippine National Police (PNP) kay Pa­ngulong Duterte na pi­gilan ang massive vote buying sa Lanao del Sur at sa Marawi City na maa­aring makasira sa resulta ng May 13, 2019 elections.

Ang apela ay bukod na sinuportahan ng abogadong si Salic Dumarpa ng Lanao del Sur at 675 voters na nag-execute ng kanilang affidavits para kum­pirmahin ang alegas­yon ng mga dating opis­yal ng militar at pulisya sa Marawi at mga kalapit na bayan.

Bukod pa ito sa paghahain ng ilang civic groups at local political parties sa Lanao del Sur noong April 30, 2019 sa Commission on Elections (Come­lec) ng petisyon na humihiling na isailalim ang Lanao del Sur at Marawi City sa kontrol dahil sa talamak na vote-buying, pana­nakot at pangha-harass sa mga botante.

Sa liham ng retired officers sa Presidential Complaints Center (PCC) sa Malacañang noong April 30, 2019, sinabi nila na ang vote buying scheme ay ginagawa ng ilang kandidato para sa provincial positions na nakikipagsa­bwatan sa mga alkalde na sila namang kumukuha sa serbisyo ng mga barangay chairperson para sila ang mamahagi ng pera sa mga botante.

Ayon naman kay Dumarpa na sinabi nila sa Pangulo na sa 675 affidavits mula sa mga botante ng siyam na bayan sa Lanao del Sur ay nagpapakita na nalalagay sa kompromiso ang electoral process sa lalawigan.

Base naman sa AFP at PNP retirees na limang kandidato ang pinag­sama ang kanilang pera para bayaran ng P6,000 kada botante sa Marawi City, sa Lanao at iba pang munisipalidad.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHI­LIPPINES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with