Federalismo, taumbayan ang huhusga
MANILA, Philippines — Ipinauubaya na ng Malacañang sa kamay ng taumbayan ang kapalaran ng isinusulong na federalismo.
Itoy matapos kontrahin mismo ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang federalismo dahil lalong lalakas ang puwersa ng mga political warlord partikular sa rehiyon ng Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iginagalang ng Palasyo ang pananaw ni Mayor Sara sa federalismo.
Ayon kay Panelo, idadaan naman sa plebesito ang federalismo kung saan taongbayan ang magpapasya.
Hindi anya nagbabago ang posisyon ni Pangulong Duterte sa pagsusulong ng federalismo sa bansa.
- Latest