SC pasok sa ban sa provincial bus
MANILA, Philippines — Nagpasaklolo sa Korte Suprema si Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. para ipatigil ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal sa provincial buses na dumaan sa EDSA.
Sinabi ni Garbin na inihain nila ang petition for certiorari, prohibition at mandamus at application for Writ of Preliminary Injuction o Temporary Restraining Order (TRO) para kwestiyunin ang legalidad ng bus ban na sinasabing makapagbibigay ng solusyon sa trapiko sa EDSA.
Kinuwestyon din ng kongresista ang pagkansela sa terminal permits ng mga provincial buses matapos na makatanggap ng reklamo mula sa mga drivers, operators at commuters.
Paliwanag pa niya, hindi dumaan sa public consultation ang panukala kaya nilabag ng MMDA ang due process o karapatan ng mamamayan na malaman ang isang isyung direktang nakakaapekto sa kanila bago ipatupad ito.
Wala rin umanong basehan ang ahensya tungkol sa magandang idudulot ng ban sa traffic congestion dahil batay sa datos noong 2017 ay 3,300 lamang ang rehistradong bus mula sa probinsya na dumadaan sa EDSA araw-araw habang 12,000 ang city buses at 200,000 ang private vehicles.
- Latest