^

Bansa

Bicol binagyo ni Coco Martin at Ang Probinsyano Partylist

Pilipino Star Ngayon
Bicol binagyo ni Coco Martin  at Ang Probinsyano Partylist

MANILA, Philippines — Isinara ang isang bloke ng national highway at umapaw ang mga tao sa mga plaza sa pagdating ng Ang Probinsyano Partylist sa Bicol kamakailan.

Sa pangunguna ng action superstar na si Coco Martin, tinungo ng Ang Probinsyano Partylist ang mga kabayanan sa nasabing lalawigan kung saan dinumog sila ng mga sumusuportang Bikolano.

Kasing init ng sikat ng araw ang pagsalubong ng mga residente ng Bacacay kina Coco at Ang Probinsyano team nang dumating sila sa Bacacay Municipal Park.

Di naman nabigo ang mga libu-libong residente ng Bacacay dahil sa kasayahang dala nila Coco Martin at rappers na sina Smugglaz at Bassilyo.

Sa Nabua, Camarines Sur, isang bahagi ng Maharlika highway ang kinailangang isara dahil sa kapal ng mga taong nag-abang para salubungin sina Coco at Ang Probinsyano Partylist.  

Pagdating sa Polangui Public Plaza ay nag-uumapaw rin ng mga residenteng supporters ng Ang Probinsyano Partylist. Siksikan naman sa Ligao Public Plaza ang mga libu-libong residente para lang maipakita ang kanilang suporta sa kanilang idolo. 

Nagtapos ang pagbisita ng Ang Probinsyano Partylist sa Bikol sa isang malaking rally sa Lapu-Lapu avenue ng Ayala Malls sa Legazpi City kung saan umapela si Coco sa mga Bikolano na piliin ang Ang Probinsyano bilang partylist nila sa halalan sa Mayo 13.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with