^

Bansa

Luzon niyanig pa ng 4.5 magnitude na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Luzon niyanig pa ng 4.5 magnitude na lindol

MANILA, Philippines — Isa na namang mala­kas na pagyanig ang naramdaman sa Luzon kahapon ng alas 2:02 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol na may 4.5 magnitude ay naitala sa may 015 kilometro ng hilagang silangan ng  Castillejos Zambales.

Ayon sa Phivolcs, umaabot sa 011 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol na tectonic ang pinagmulan.

Bunga nito, naram­daman ang lindol sa lakas na Intensity 3 sa Olongapo City, San Ildefonso, Bulacan; Olongapo City; Guagua, Pampanga, Intensity 2 sa Quezon City; Muntinlupa City; Taguig City at Intensity I sa  Talisay, Batangas; Tagaytay City; Palayan City; Quezon City; Pasig City; Gapan City; Malolos City, Bulacan; Magalang, Pampanga.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na ang naturang lindol ay aftershocks ng naganap na 6.1 magnitude na lindol sa Luzon noong lunes.

Dahil sa naganap na lindol kahapon, naantala naman ang isinagawang rescue operation sa isang supermarket sa Porac, Pampanga na pinaniniwalaang mayroon pang tao na buhay dahil sa mga pinaikot na sniffing dogs  ng mga awtoridad doon.

Sinabi ni Solidum na asahan na ang patuloy na aftershocks na mararamdaman sa nakalipas na 6.1 magnitude na lindol sa Luzon pero hindi anya ito tataas sa magnitude  5 aftershock.

vuukle comment

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with