^

Bansa

VP Robredo tumaas ang net satisfaction rating sa 'good'

James Relativo - Philstar.com
VP Robredo tumaas ang net satisfaction rating sa 'good'
Ikinalugod naman ni Robredo, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, ang resulta ng SWS survey.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Umangat ang net satisfaction ni Bise Presidente Leni Robredo mula "moderate" patungong "good" sa unang kwarto ng 2019, ayon sa Social Weather Stations, Martes ng gabi.

Ito'y 15 puntos na pagtaas mula +27 noong Disyembre 2018 patungong +42 ngayong Marso 2019.

Sa pag-aaral, lumalabas na 63% ang "satisfied" habang 21% ang "dissatisfied" sa kanyang panunungkulan.

"The 15-point increase in the overall net satisfaction rating of Vice-Pres. Robredo was due to increases of 26 points in Balance Luzon, 17 points in the Visayas, and 2 points in Mindanao, combined with a 2-point decline in Metro Manila," ayon sa SWS.

Tumaas ito mula "good" patungong "very good" sa Visayas, mula sa +48 nitong Disyembreo patungong +65 ngayong Marso.

Nanatili naman itong "good" sa Mindanao, na tumaas ng dalawang puntos mula +31 patungong +33 noong isang buwan.

Bagama't nananatiling "moderate" ang nakuha ni Robredo sa Metro Manila, nagtala ang ikalawang pangulo ng 2 puntos na pagbaba mula +16 noong Disyembre patungong +14 nitong Marso.

Tila dumami naman ang mga taga-probinsyang natutuwa kay Robredo matapos tumaas mula "good" patunong "very good" ng kanyang rural net satisfaction.

Ganito rin ang lumalabas para sa mga tumitira sa lungsod, na umigi mula sa "moderate" patungong "good."

"Compared to December 2018, Vice-Pres. Robredo’s net satisfaction rating rose across all basic socio-demographics except among the 18-24 year olds," dagdag ng survey.

Trabaho ng OVP 'ramdam'

Ikinalugod naman ni Robredo, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, ang resulta ng SWS survey.

"Masaya naman. Medyo malaki iyong itinaas ngayon, 15 points. Gustong sabihin, parang nagme-make naman ng mark iyong ginagawa ng opisina namin," sabi ni Robredo sa mga reporters sa Cagayan de Oro.

Aniya, unang araw pa lang daw niya sa opisina ay umiikot na siya ng buong Pilipinas para sa kanilang "Angat Buhay program."

"Baka gustong sabihin lang noon, kahit paano nararamdaman iyong ginagawa. Iyong magandang balita naman, parang nagbibigay lang sa amin ng mas malaki pang inspirasyon at pag-asa para lalo pa kaming ganahan na ipagpatuloy iyong aming ginagawa," dagdag niya.

Ani Robredo, na kilalang kritiko ng ilang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming natulungan ang anti-poverty projects ng Office of the Vice President.

"Pinupuntahan talaga namin iyong pinakamahihirap na mga lugar."

Sotto, Arroyo at Bersamin

Samantala, 71% naman ang "satisfied" habang 10% ang hindi sa performance ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Kaugnay nito, nakakuha si Sotto ng "very good" na net satisfaction rating sa +61.

Nasa 34% naman ang "satisfied" sa trabaho ni Chief Justice Lucas Bersamin habang 20% ang hindi natutuwa.

"Moderate" kung ituring naman ang satisfaction rating ni Bersamin sa +14.

Kaiba kina Robredo, Sotto at Bersamin, mas marami pa rin ang hindi natutuwa sa performance ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Lumalabas na 29% lamang ang "satisfied" sa kanyang trabaho habang 46% ang hindi.

Dahil dito, "poor" ang rating na nakuha ni Arroyo na -17.

Isinagawa ang pag-aaral mula ika-29 hanggang ika-31 ng Marso 2019 sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,440 katao edad 18 pataas.

Kumausap ang SWS ng tig-360 mula sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Meron naman daw itong sampling error margin na ±2.6% para sa national percentages, at tig-±5% para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

"The quarterly Social Weather Surveys on public satisfaction with the Vice-President, Senate President, Speaker of the House of Representatives, and the Chief Justice of the Supreme Court are not commissioned. They are done on SWS's own initiative and released as a public service," sabi ng ulat.

vuukle comment

LENIO ROBREDO

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with