^

Bansa

Oust plot vs Digong ibinunyag

Joy Cantos, Rudy Andal, Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Oust plot vs Digong ibinunyag
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang information ukol sa ouster plot laban sa Pangulo ay ibinahagi kay Pangulong Duterte mula sa isang foreign intelligence report.

Journalists at lawyers isinangkot

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang ang pla­nong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ma­tapos ilabas nito ang isang matrix.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang information ukol sa ouster plot laban sa Pangulo ay ibinahagi kay Pangulong Duterte mula sa isang foreign intelligence report.

Wika pa ni Panelo, inutusan siya mismo ni Pa­ngulong Duterte na ibunyag ang nasabing matrix sa media briefing nito kung saan ay sangkot dito ang ilang mga journalists tulad ng mga nasa Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at Rappler. Kasama rin sa matrix ang National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Aniya, ang paglabas ng video ng ‘totoong narcolist’ ni alyas Bikoy ay bahagi rin ng ouster plot kay Pangulong Duterte at nakapaloob din ito sa nasabing matrix.

Sinabi pa ng presidential spokesman na ang tanging utos sa kanya ni Pangulong Duterte ay banggitin sa kanyang media briefing ang tungkol sa matrix at kung gustong malaman ng media ang paliwanag hinggil sa link ng mga nasabing journalists na nasa matrix ay siya (Duterte) ang tanungin mismo.

Idinagdag pa ni Pa­nelo, wala pang pla­nong kasuhan ng gobyerno ang nasabing mga journalists na nasa oust-Duterte matrix sa kasalukuyan puwera na lamang kung mayroon na itong over act.

Samantala, pinuna ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na katawa-tawa at illogical umano ang pag-uugnay sa mga human rights lawyer sa sinasabing ouster plot laban kay pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Zarate na walang katotohanan at walang pagkakaiba sa red October plot noon na gawa-gawa lamang ng militar at kalaunan ay napatunayang peke.

Ayon naman kay Armed Forces of the Phi­lippines-Public Affairs office Chief Col. Noel De­­toyato, mabibigo ang anumang pagtatangka ng mga kritiko na ibagsak sa kapangyarihan ang admi­nistrasyon ni Duterte.

Sinabi ni Detoyato na, hangga’t nanatiling malakas ang suporta ng AFP at Philippine Natio­nal Police kay Pa­ngulong Duterte, hindi magtatagumpay ang mga grupong nais itong patalsikin sa kapangyarihan.

“Pero sa ngayon there is no specific threat tayo na nakikita. Mara­ming nagka-come up na mga information pero no specific threat,” ani Detoyato.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with