^

Bansa

MWSS execs sesentensiyahan na ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
MWSS execs sesentensiyahan na ni Digong
Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang MWSS dahil sa naranasang krisis sa tubig ng Metro Manila simula noong Marso.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Malalaman na nga­yong linggo ang kapa­laran ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) gaya ng pahayag ni Pangulong Duterte.

“This week I will be firing… Alam mo ‘yang MWSS. Alam mo, seasonal ‘yan eh. It comes with regularity ‘yang El Niño na ‘yan. P***** i**, ilang taon kayo nandiyan and you do not prepare for it?” inis na wika ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City.

Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang MWSS dahil sa naranasang krisis sa tubig ng Metro Manila simula noong Marso.

“Maraming Pilipino dito. Maraming engineer dito na ga­ling sa labas na mas maru­nong. Hindi lang nakaki­lala. There are millions of Filipinos waiting outside, more brighter than you, more smart kaya lang hindi nakilala kasi hindi mga politiko. I will not hesitate to replace you all,” banta pa ng Pangulo.

Wika pa ng Pangulo, bago siya magtungo sa China sa linggong ito upang dumalo sa 2nd Belt and Road forum ay may sisibakin siyang mga opisyal dahil sa corruption. 

vuukle comment

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with