^

Bansa

AFP sa Makabayan: Kondenahin ang gawain ng NPA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
AFP sa Makabayan: Kondenahin ang gawain ng NPA
Sinabi ni Major General Antonio Parlade Jr., hepe ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na ito na ang tamang pagkakataon na patunayan ng Makabayan partylist bloc na mali ang AFP sa pagparatang na iisa ang kanilang mga adhikain sa komunistang grupo.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Hinamon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Makabayan partylist bloc sa Kongreso na kondenahin ang mga gawain ng New People’s Army  (NPA) para patunayan na hindi nila kaalyado ang mga komunista.

Sinabi ni Major General Antonio Parlade Jr., hepe ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na ito na ang tamang pagkakataon na patunayan ng Makabayan partylist bloc na mali ang AFP sa pagparatang na iisa ang kanilang mga adhikain sa komunistang grupo.

Giit ni Parlade, maaari namang kondenahin ng Makabayan bloc ang mga teroristang NPA sa ginagawa nilang karahasan at kung hindi nila ito magagawa ay wala silang pinagkaiba kay Joma Sison.

Kung hindi umano kayang kondenahin ng grupong Makabayan ang mga gawi ng NPA ay nagpapatunay lamang ito na sila ay isang “legal front” ng CPP-NPA.

Kaya nanawagan ang AFP sa mga Pilipino na huwag magpaloko sa mga matatamis na pangako ng mga makakaliwang grupo na nagpapasarap at nagtatago lamang umano sa legalidad ng kongreso, ayon pa kay Parlade.

Nilinaw pa ng opisyal na walang dahilan para magalit sa kanila ang Makabayan sa pag-aakusa na sila ay may katulad na adhikain ng mga komunista dahil na rin sa pahayag ni Sison, founding chairman ng CPP.

Ang Makabayan bloc ay kinabibilangan ng Ba­yan Muna, Anakpawis, Gabriela, ACT Teacher, at Kabataan.

Mariin namang itinanggi ng Makabayan at sinabing ang kanilang mga partylist group sa darating na mid-term elections ay hindi legal front ng CPP-NPA.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with