Batas sa ‘work from home’ bitin - DOLE
MANILA, Philippines — Bitin ang Work from Home Law o Telecommuting Act.
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III dahil hindi mandatory ang nasabing batas.
Sinabi ni Bello na naka-depende pa rin sa employer kung papayagan ang mga empleyado nitong mag-trabaho sa kani-kanilang mga bahay.
Giit ni Bello, kung nagkaroon ng kasunduan ang employer at employee posibleng maaprubahan ito subalit kung tumanggi ang employer hindi ito maisasabatas.
Gayunman, tiwala si Bello na mabubusisi muli ng mga mambabatas ang Telecommuting Act para sundin na ito ng lahat ng employer.
Umaasa si Bello na magiging mandatory ang telecommuting bill na naaayon sa pag-aaral ng Kongreso.
“In other words if the worker says “it’s better I work at home, I will deliver better, it will also provide better working condition for me, I will avoid traffic and additional expenses”, then magiging makabuluhan ang batas na ‘yan,” dagdag ni Bello.
- Latest