^

Bansa

Serbisyo sa bayan, serbisyo sa Diyos

Pilipino Star Ngayon
Serbisyo sa bayan, serbisyo sa Diyos
Nasa larawan si dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Bong Go kasama ang ilang batang mahihirap.

MANILA, Philippines — Sa paggunita ng bansa sa Semana Santa, sinabi ni dating Special Assistant to the President at 2019 senatorial candidate Christopher Lawrence “Bong” Go na pinatitibay niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsisilbi sa mga kapuspalad.  Ang paglilingkod anya sa mamamayan ay paglilingkod din sa Diyos.

Sinabi pa ni Go na ipinasya niyang kumandidatong senador para direktang maglingkod sa mga mamamayan tulad ng paglingkod niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 21 taon.

Ilang beses nang idiniin ni Duterte na si Go ay hindi lang isang taong may integridad kundi isa ring mag tunay na malasakit sa kapwa.

“Ang serbisyo po sa tao, serbisyo sa Diyos,” sabi ni Go. “Ang bisyo ko po, magserbisyo.”

Binanggit pa ni Go na, ayon sa turong Kristiyano, ang anumang ginawa ng isang tao sa kanyang kapwa ay siya rin niyang ginawa sa Diyos.

Bago pa man tumakbong senador, matagal nang krusada ni Go ang pagtulong sa mga kapuspalad na mamamayan lalo na ang mga nabibiktima ng sunog.

“Noon, ngayon at saan man po ako ipadpad ng aking tadhana, papasukin ko kahit saang eskinita para marinig ang mga hinaing ng mga kapatid natin, lalung-lalo na yung mga nangangailangan ng tulong,” sabi pa ni Go. “Sabi ng iba delikado raw, pero hindi ako natatakot. Basta gagawin ko lang yung trabaho ko,” dagdag niya.

Sa pagtakbo niya sa Senado, nangako si Go na susuportahan niya ang mga inisyatibo ni Duterte para sa pagbabago.

Idea rin ni Go ang mga Malasakit Center na itinayo ng  gobyernong Duterte para matulungan ang mga mahihirap lalo na sa serbisyo medikal.

“Ito po yung gusto kong isabatas (pagtatayo ng mga malasakit center sa iba’t-ibang probinsiya)  pagdating ng panahon para tuluy-tuloy ang serbisyo kahit hindi na Pangulo si Pangulong Duterte. Pera nyo po ito, ibinabalik lang sa inyo. Basta po Pilipino qualified, at may  express lane pa para sa disabled at senior citizens,” paliwanag niya.

Sa kasalukuyan, merong 34 Malasakit Center na nagsisilbi sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

vuukle comment

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with