^

Bansa

Mga pasahero dapat nasa airport na 3 oras bago flight

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga pasahero dapat nasa  airport na 3 oras bago flight
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na kailangang nasa paliparan na ang mga pasahero dalawa o tatlong oras bago ang iskedyul ng kanilang flight dahil sa mas pinahigpit na mga security protocols. Ito ay upang matiyak umano ang kaligtasan ng mga pasahero.

MANILA, Philippines — Upang maiwasan na maiwan sa kanilang mga biyahe, hinikayat ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga biyahero na mas maiging maagang makarating sa paliparan ngayong “Holy Week rush”.

Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na kailangang nasa paliparan na ang mga pasahero dalawa o tatlong oras bago ang iskedyul ng kanilang flight dahil sa mas pinahigpit na mga security protocols. Ito ay upang matiyak umano ang kaligtasan ng mga pasahero. 

Ngunit dahil rin dito, mas humaba ang pila sa mga security checkpoints sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 lalo na’t mas dumami ang pasahero na mag-uuwian sa kani-kanilang lalawigan.

Inatasan rin ni Monreal ang mga airport personnel na doblehin ang serbisyo sa mga pasahero at magmalasakit lalo na sa mga may kinakaharap na problema sa kanilang biyahe.

vuukle comment

ED MONREAL

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with