^

Bansa

9 na ang nalunod ngayong summer vacation – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
9 na ang nalunod ngayong summer vacation � PNP
Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, sa kanilang patuloy na monitoring para sa Ligtas SUMVAC (Summer Vacation) 2019 mula Abril 5-10 ng taong ito ay nasa 9 ang namatay sa pagkalunod.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa loob lamang ng limang araw, umaabot na sa siyam katao ang nasawi sa pagkalunod sa buwang ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay ng panahon ng bakasyon.

Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, sa kanilang patuloy na monitoring para sa Ligtas SUMVAC (Summer Vacation) 2019 mula Abril 5-10 ng taong ito ay nasa 9 ang namatay sa pagkalunod.

“We have recorded nine drowning incidents nationwide. Patuloy ang paalala natin sa ating mga kababayan sa mga maliligo sa dagat, swimming pool at  ilog, mag-ingat po tayo,” pahayag ni Banac.

Kabilang dito ay mga nalunod sa dagat sa San Antonio, Zambales; Bagac, Bataan at Cantillan, Surigao del Sur;  isang nalunod sa ilog sa Norzagaray, Bulacan at isa rin sa Biñan City, Laguna habang isa rin ang nalunod sa talon sa Claveria, Misamis Oriental.

Sinabi ni Banac na karaniwan ng tuwing sasapit ang bakasyon lalo na sa Semana Santa ay marami ang nagpaplano ng bakasyon para maligo sa ilog, swimming pool, talon at maging sa dagat.

Nagpaalala rin si Banac sa netizens na kung nagpaplano ang mga ito ng bakasyon sa mga beach ay dapat mayroon ang mga itong kasama.

Dapat din ay marunong lumangoy ang mga kasama, malapit ang 1st aid station, rescuers tulad ng mga lifeguard at maging sa mga Police assistance desks.

vuukle comment

BERNARD BANAC

SUMMER VACATION 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with