^

Bansa

Tattoo ni Paolo ‘di kailangang ipakita

Ian Nicolas Cigaral - Pilipino Star Ngayon
Tattoo ni Paolo �di kailangang ipakita
Kumalat noong nakaraang linggo sa internet ang isang video na nagdedetalye umano sa kuneksyon ni Paolo sa sindikato ng droga.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sinabi ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio na hindi niya sasabihan ang kapatid niyang si Paolo na ipakita ang tattoo nito sa likod na ayon sa mga oposisyong mambabatas ay magpapatunay umano na sangkot ito sa kalakalan ng bawal na gamot.

Kumalat noong nakaraang linggo sa internet ang isang video na nagdedetalye umano sa kuneksyon ni Paolo sa sindikato ng droga. 

Binuhay nito ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na si Paolo ay mayroong tattoo sa likod na hugis dra­gon na isang patunay sa kuneksyon nito sa isang  drug trafficking triad. 

Sa isang panayam ng mga reporter, itinanggi ni Sara na sangkot sa drug trafficking operation si Paolo. Hindi niya anya papayuhan ang kanyang kapatid na ipakita ang tattoo nito maliban na lang kung mayroong kautusan ng korte.

Naunang nagbitiw si Paolo bilang vice mayor ng Davao City kasunod ng alegasyon na maaari umanong tumulong siya na makapasok sa bansa ang multi-bilyong pisong halaga ng droga mula China noong 2017.

Paulit-ulit na hinahamon ng mga oposisyong mambabatas si Paolo na ipakita ang kanyang tattoo. 

Nauna niyang hinamon na meron siyang tattoo sa likod pero tumanggi siyang ipakita ito sa paggigiit ng kanyang right to privacy.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with