Pagsibak sa 18 Immigration men utos ni Duterte
MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspinde sa 18 tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa P9.4 milyong extortion sa mga Koreans, ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.
Sinabi ni Belgica na ang 18 BI personnel na nasangkot sa P9.4 milyong extortion sa mga Koreans ay isinasangkalan ang Malacañang.
Wika ni Belgica, mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos ng suspension ng 18 BI personnel na ito na inirekomenda ng PACC.
Nauna rito, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na suspendido na ng 90-days ang nasabing mga BI personnel habang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga ito.
- Latest