Kooperatiba solusyon sa water supply - Tolentino
MANILA, Philippines — Hinihikayat ni administration candidate Atty. Francis Tolentino ang iba pang mga kooperatiba na makisosyo upang mabigyang solusyon ang problema sa supply ng tubig.
Ayon kay Tolentino, panahon na upang ipatupad ang sistema sa water services na ginawa na rin sa ibang bansa tulad ng Finland at Denmark.
Aniya, may mga water service cooperatives sa bansa kabilang ang Metro Water Collectors Cooperative ng Quezon City, Water and Sewer Services Cooperative ng Caloocan, at Talaga Barangay Water Services Cooperative, Inc. ng Tanauan, Batangas subalit kailangan pa rin karagdagang koopertiba.
Naniniwala si Tolentino na epektibo ang mga karagdagang kooperatiba sa water distribution.
Una nang nagbabala si Tolentino, na dati ring Presidential Political Adviser, sa posibleng kakulangan sa supply ng tubig at magdulot din ng sakit sa publiko.
- Latest