^

Bansa

Inflation lalong bumagal sa 3.3% ngayong Marso

Philstar.com
Inflation lalong bumagal sa 3.3% ngayong Marso
Ito na ang pinakababang headline inflation simula Enero 2018.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Muling bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas nitong Marso, ayon sa Philippines Statistics Authority.

Naitala ito sa 3.3% noong nakaraang buwan, mas mabagal sa 3.8% noong Pebrero at 4.3% noong nakaraang taon.

Ito na ang pinakababang headline inflation simula Enero 2018.

Ito na ang ikalimang buwan nang tuloy-tuloy na pagbaba ng tantos ng inflation.

Kung year-to-date (mula Enero hanggang Marso) ang titignan, nag-average ang inflation sa 3.8% — pasok sa 2-4% taunang target ng gobyerno.

"The downtrend was primarily due to slower annual increase in the index of the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 3.4%," sabi ng PSA.

(Ang pagbaba ay primaryang maiuugnay sa mas mabagal na taunang pagtaas sa index  ng heavily-weighted food at 'di nakalalasing na pagkain sa 3.4%.)

Bumagal din ang annual inflation sa National Capital Region mula 5.2% noong Marso 2018 patungong 3.2% 2019 ngayong taon.

Labas sa NCR, nakita ang pinakamababang inflation sa Region IX (Zamboanga Peninsula) sa 2% noong nakaraang buwan habang pinakamataas naman ang naitala sa MIMAROPA Region sa 4.8%.

Kung ikukumpara sa taunang pagtaas noong Pebrero, lahat ng rehiyon labas sa NCR ay nag-register ng mas mababang annual growth maliban sa Cordillera Administrative Region.

Naghigpit ng monetary policy ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 175 basis points patungong 4.75% noong nakaraang taon matapos maitala ang pinakamataas na inflation sa loob ng siyam na taon noong Setyembre at Oktubre.

Sinabi naman kamakailan ng bagong BSP Governor na si Benjamin Diokno na kakayanin nang luwagan ang monetary policy, gayunpaman ibabatay daw nila ang timing at grabedad ng anumang desisyon sa mga datos. – James Relativo

vuukle comment

INFLATION RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with