^

Bansa

Gov’t documents libre na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gov�t documents libre na
Ayon kay Sen. Joel Villanueva, chair ng Senate committee on labor, employment and human resources development, malaking tulong para sa mga first-time job seekers ang panukala na kalimitan ay mga bagong graduate sa kolehiyo.

MANILA, Philippines — Lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang kailangan sa panukalang batas na naglalayong maging libre ang bayad sa mga kinukuhang dokumento ng mga first time na naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, chair ng Senate committee on labor, employment and human resources development, malaking tulong para sa mga first-time job seekers ang panukala na kalimitan ay mga bagong graduate sa kolehiyo.

Kabilang sa mga malilibre ang mga clearances na ibinibigay ng pulisya, barangays, medical certificates mula sa mga clinics at ospital ng gobyerno, National Bureau of Investigation, at maging birth o marriage certificates, tax identification number at Unified Multi-Purpose ID card (UMID).

Kailangan lamang magsumite ng first-time applicant ng isang sertipikasyon mula sa kanilang barangay na magpapatunay na siya ay first-time jobseeker.

Ipinunto ni Villanueva na kapag pinagsama-sama ang gastos para sa mga pre-employment document, aabot ito sa P2,000.

“Mabigat po ‘yan para po sa isang fresh graduate. Kahit pa sabihing graduate na, ang totoo, financially dependent pa rin po siya sa kaniyang mga magulang o kaanak,” sabi ni Villanueva.

Inaasahang aabot sa 1.3 milyong first-time jobseekers taun-taon ang makikinabang sa panukala sa sandaling malagdaan na ng Pangulo.

vuukle comment

JOEL VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with