^

Bansa

9 na barangay sa Malabon, drug cleared na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakuha ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang ikatlong puwesto sa buong National Capital Region matapos  na siyam sa  21 barangay o mahi­git 40% ng lungsod ang idineklarang “drug cleared” ng Inter-Agency Committee on Anti-Drugs (ICAD) na pinamumu-nuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Enero.

Maituturing itong mataas kung ikukum­pa­ra sa naitalang datos ng Philippine National Police na 26.35% pa lamang sa lahat ng mga barangay sa buong bansa ang naidedeklarang drug-cleared nitong katapusan ng Enero 2019.

Ito ang naging tugon ni Malabon City Mayor Antolin Oreta kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte na nagbanta na ipatatapon ang alkalde sa Manila Bay kung hindi masosolusyunan ang iligal na droga sa lungsod sa loob ng isang buwan.

“Bago pa man mag­deklara ang Pangulo ng kampanya kontra droga, pinaigting na natin sa lungsod ng Malabon ang ating mga programa para masigurong malinis, ligtas, at maayos ang Malabon,” ayon sa pahayag ni Oreta.

“We deeply appreciate the President’s concern about the drug situation here in Malabon City but our record speaks for itself,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Oreta na ang PDEA na mismo ang makakapagpa-tu­nay nito na siyang nag­­deklara sa siyam na barangay na “drug cleared”.

Pebrero pa lamang umano nadagdagan ng anim mula sa tatlo ang “drug cleared” na mga barangay sa lungsod. 

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang tinanggap na “silver award” buhat sa Department of the Interior and Local Go-vernment (DILG) para sa Anti-Drug Abuse Functionality Audit.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with