^

Bansa

SC bumuo ng task force vs ‘narco-judges’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
SC bumuo ng task force vs �narco-judges�
Ayon kay SC spokesman Brian Hosaka, ang task force na pamumunuan ni Associate Justice Diosdado Peral­ta ay makikipagtulu­ngan sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) para makuha ang pangalan ng mga huwes na sinasabing sangkot sa iligal na droga.
File Photo

MANILA, Philippines — Bumuo na ang Korte Suprema ng task force na mag-iimbestiga sa umano’y pagkakasangkot ng mga judges na nasa “narco list.”

Ayon kay SC spokesman Brian Hosaka, ang task force na pamumunuan ni Associate Justice Diosdado Peral­ta ay makikipagtulu­ngan sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) para makuha ang pangalan ng mga huwes na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Sinabi Hosaka na hindi kukunsintihin ng  SC ang iligal at korapsiyon sa kanilang hanay.

Lumilitaw na hiniling ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa PDEA na isapubliko ang pangalan ng mga pro­secutors na kabilang sa “narco-list.”

Aniya, nagpadala na siya ng letter-request sa PDEA upang agad na masimulan ang imbestigasyon.

Matatandaang ibinunyag ng PDEA na 10 prosecutors at 13 judges ang nasa narco list subalit wala namang kumpirmasyon.

vuukle comment

NARCO LIST

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with