^

Bansa

Fresh grads hinikayat kumuha ng CSC exam

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Fresh grads hinikayat kumuha ng CSC exam
Ayon kay Lizada, dapat samantalahin ng mga bagong graduate ang pagkuha ng CSC exam habang bago pa ang kanilang mga kaalaman at mas advantage umano ito sa kanila.

MANILA, Philippines — Umapela si Civil Service Commissoner Atty. Aileen Lizada sa mga bagong graduate na kumuha ng pen and paper exam sa Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay Lizada, dapat samantalahin ng mga bagong graduate ang pagkuha ng CSC exam habang bago pa ang kanilang mga kaalaman at mas advantage umano ito sa kanila.

Base sa datos ng CSC, may kabuuang 279,410 ang nagparehistro para kumuha ng pen and paper exam nitong Marso.

Sa nasabing bilang, 243,793 dito ang kumuha sa professional level habang 35,617 ang sub-professional level.

Ang Civil Service exam ay maaaring kunin ng kahit sinong Filipino na may edad na 18 anyos pataas, walang criminal record at walang dishonorably discharged mula sa military service o nadismis sa anumang civilian position sa gobyerno at hindi pa rin nakakuha ng katulad na exam sa loob ng tatlong buwan mula ng huli siyang kumuha ng eksaminasyon.

Muli naman itinakda ang pen and paper exam sa Agosto 2019.

vuukle comment

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with