^

Bansa

Katiting na rolbak ipatutupad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Katiting na rolbak ipatutupad
Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, katiting na P.30 sentimos kada litro ng diesel, P.10 sentimos sa gasolina at P.20 sa kerosene ang kanilang itatapyas.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bahagyang makakahinga ang mga motorista ngayong papasok na linggo makaraang magpahayag ng rolbak ang ilang kumpanya ng langis.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, katiting na P.30 sentimos kada litro ng diesel, P.10 sentimos sa gasolina at P.20 sa kerosene ang kanilang itatapyas.

Epektibo ito alas-6 ng umaga ngayong darating na Abril 2 o sa araw ng Martes.

Nag-anunsyo na rin ang mga independent players na Unioil Petroleum Philippines at Petro Gazz ng kanilang rolbak na P.30 rin sa diesel at P.10 sa gasolina.

Nahinto ng parating na rolbak ang pitong magkakasunod na linggo ng oil price hike sa bansa na epekto pa rin ng galaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.

vuukle comment

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with