^

Bansa

OWWA may hotline para sa OFWs

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
OWWA may hotline para sa OFWs
Maaari nang tumawag upang humingi ng tulong ang isang OFW o ang kanilang kaanak sa Hotline 1348 na sasagutin agad ng kanilang nakaantabay na mga tauhan.

MANILA, Philippines — Naglunsad na ng isang hotline number ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mapagsumbungan ng mga OFW na mangangailangan ng saklolo sa bansang kanilang kinaroroonan.

Maaari nang tumawag upang humingi ng tulong ang isang OFW o ang kanilang kaanak sa Hotline 1348 na sasagutin agad ng kanilang nakaantabay na mga tauhan. 

Para sa mga tawag sa labas ng Metro Manila, kailangang i-dial ng caller ang (02) 1348 habang sa mga international call naman ay dial (0632) 1348.

Sinabi ng OWWA na ang hotline number ay upang mas mabilis silang makaresponde sa pangangailangan ng OFW na nangangailangan ng saklolo.

Bukas umano ang hotline number sa 24 oras kada araw.

vuukle comment

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with