^

Bansa

Michael Yang pinaiimbestigahan sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Michael Yang pinaiimbestigahan sa Senado
Sa Senate Resolution 1033 ni de Lima, sinabi nito na dapat lamang na busisiing mabuti ng Senado kung inabuso ni Yang ang kanyang posisyon bilang economic adviser ng Pangulo at kung totoo ang pagkakasangkot niya sa droga.

MANILA, Philippines — Naghain ng isang resolusyon si Sen. Leila de Lima upang paim­bestigahan sa Senado ang diumano’y kaugnayan ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa illegal drug trade sa bansa.

Sa Senate Resolution 1033 ni de Lima, sinabi nito na dapat lamang na busisiing mabuti ng Senado kung inabuso ni Yang ang kanyang posisyon bilang economic adviser ng Pangulo at kung totoo ang pagkakasangkot niya sa droga.

Ipinahiwatig din ni de Lima na dapat tingnan ang posibleng deportasyon ni Yang bilang isang “undesirable alien” kung mapapatunayang sangkot ito sa illegal drug trade.

Pero dapat din aniyang sampahan ito ng kaukulang kaso kung totoo ang akusasyon laban sa kanya.

Base sa mga news report, si Yang na ang Chinese name ay Yang Hong Ming, ay nagsilbi bilang economic adviser ng Pangulo simula Enero hanggang Disyembre 2018 base na rin sa mga ipinamamahagi niyang business cards na may official seal ng Office of the President.

Kamakailan ay pi­na­ngalanan si Yang ni da­ting police officer Eduardo Acierto na sangkot umano sa iligal na droga kasama ang kanyang mga business partners na sina Allan Lim at Johnson Chua na mga nakabase sa Macau.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

MICHAEL YANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with