^

Bansa

Taga-suporta, kritiko, binati si Duterte sa ika-74 kaarawan

James Relativo - Philstar.com
Taga-suporta, kritiko, binati si Duterte sa ika-74 kaarawan
Mula sa mga kamag-anak, pulitiko at opisyales ng pamahalaan, kanya-kanyang pagbati ang mga personalidad sa dating mayor ng Davao City.
Facebook/Christopher Bong Go

MANILA, Philippines — Bumuhos ang pagbati kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-74 birthday, 'yan ay kahit una na niyang sinabing ayaw niyang ipagdiwang ito.

Aniya, gusto lang niyang magpahinga sa espesyal niyang araw.

"Historically, ayaw ko talagang mag-celebrate ng birthday. Gusto ko sa bahay lang, matulog ako. And if there’s somebody that is really welcome to me, ‘yung mga anak ko, pati ‘yung apo ko," sabi niya sa campaign rally ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan.

Pero mula sa mga kamag-anak, pulitiko at opisyales ng pamahalaan, kanya-kanyang pagbati ang mga personalidad sa dating mayor ng Davao City.

"Kahit kulang na ang tulog mo nakakahanap ka pa rin ng oras para sa amin. Salamat, pa," sabi ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa Facebook.

"Huwag mo nang pansinin 'yung mga nagpapa-bright-bright diyan. Si Inday [Sara Duterte-Carpio] na ang bahala sa kanila," kanyang dagdag.

Kaiba sa PDP-Laban ng kanyang tatay, merong sariling senatorial slate ang presidential daughter na si Inday sa ilalim ng regional party na Hugpong ng Pagbabago.

Ang dati namang special assistant to the president na si Christopher "Bong" Go, 'di naiwasang maging emosyonal sa kanyang pagbati sa social media.

"My wish for you is to live longer so that you can enjoy and appreciate the positive changes you've done for our country," wika ni Go.

Ayon sa dating SAP, na tumatakbo rin sa pagkasenador sa ilalim ng PDP-Laban, nagpapasalamat siya't binigyan ng presidente ng pagkakataong maglingkod.

"Ipinapangako ko na hanggang sa huling hininga ng aking buhay ay hindi ko kayo iiwan," sabi niya.

Napa-"Duterte fist bump" naman ang hepe ng Philippine National Police na si Oscar Albayalde sampu ng mga kawani ng PNP sa kanilang birthday greeting.

"To our President, Mayor Rodrigo Roa Duterte, sir. In behalf of the 190,000 strong PNP personnel, we would like to greet you a happy, happy birthday. We wish you good health and long life," sabi ni Albayalde.

Susuportahan daw nila ang kampanya ng pangulo laban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.

"With your great leadership, we can make our country great and strong," dagdag niya.

Ilan pa sa mga nagbigay pa ng kanilang pagbati ay sina Sen. Manny Pacquiao, Ilocos Norte Gov. at senatorial Imee Marcos at Sen. Sonny Angara.

Pero ang mga pagbati, hindi lang nanggaling sa mga supporter ng administrasyon.

Maging si Sen. Leila de Lima, na kilalang kritiko ng pangulo, may birthday wish kay Digong: "Enlightenment. True and profound enlightenment. Happy birthday po."

(Kaliwanagan. Tunay at malalim na kaliwanagan. Happy birthday po.)

Isa sa mga pinakamatagal na naglingkod na alkalde sa bansa, si Duterte rin ang pinakamatandaang nahalal bilang presidente ng Pilipinas sa edad na 71 noong 2016.

vuukle comment

BIRTHDAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with