^

Bansa

Pacquiao nagpa-survey kung sino ang susunod na lalabanan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Twitter account, nagpa-survey si Sen. Manny Pacquiao kung sino ang dapat niyang susunod na kalaban.

Kahapon ng alas-5:30 ay nasa 38,688 na ang bumoto sa kanyang survey.

Kabilang sa mga pangalang inilutang ni Pacquiao ay sina Floyd Mayweather, Keith Thurman, Danny Garcia at Shawn Porter.

“Who should I fight next?” tanong ni Pacquiao sa kanyang tweet.

Hindi naman makikita sa post ng senador kung sino ang nangunguna sa mga binanggit niyang pangalan.

Matatandaan na ilang beses na ring pinayuhan ng mga kaibigang senador si Pacquiao na ikonsidera ang pagreretiro habang nananalo pa siya o pinapa­lakpakan ng kanyang mga fans.

vuukle comment

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with