OFWs sa HK sumuporta sa Ang Probinsyano Partylist
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta sa Ang Probinsyano Party-List ang mga OFW sa Hong Kong dahil makakatulong umano sa kanila at kanilang mga pamilya ang mga batas na planong isulong ng AP-PL.
Isa sa target ng Ang Probinsyano Party-list ay ang pagkakaroon ng mataas na palitan ng dolyar para sa mga OFW remittances.
Ayon sa nominee ng AP-PL na si Ronnie Ong, “humigit kumulang 10 milyong pamilya ang makikinabang sa higher exchange rate for OFWs. Kung mas mataas ang palitan ng dolyar para sa mga remittance ng OFWs, mas madadagdagan ang pambili nila ng mga local products natin.”
Kamakailan lang ay nasa HK si Ong para ihain sa mga OFWs ang plataporma ng AP-PL. Kabilang dito ang ‘Housewife Compensation Act’ ni Cong. Joey Salceda; ang house-to-house health care; at pagpapatupad ng ‘Open High School.’
Ikinatuwa naman ng mga OFW na nagkaroon ng pagtitipon kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na sabihin ang kanilang mga problema.
- Latest