^

Bansa

96% supply naibalik na ng Manila Water

Pilipino Star Ngayon
96% supply naibalik na ng Manila Water
Sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong na isa sa mga labis na naapektuhan ng water supply shortage ng Manila Water, unti-unti nang bumabalik ang suplay ng tubig.
File

MANILA, Philippines — Nasa 96% na ngayon ng customer ng Manila Water ang nakararanas ng suplay ng tubig sa loob ng 8 hanggang 12 oras sa ground-floor level.

Sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong na isa sa mga labis na naapektuhan ng water supply shortage ng Manila Water, unti-unti nang bumabalik ang suplay ng tubig. 

Ayon sa Manila Water, nasa 90 porsyento o 9,000 kabahayan na sa Bgy. Addition Hills ang nagkaroon ng suplay ng malinis na inuming tubig sa mas mahabang oras mula 11am hanggang 3pm araw-araw. 

Sabi ni Ferdinand dela Cruz, presidente at CEO ng Manila Water, inaasahang makakamit ang 99 porsyentong service restoration sa Mandaluyong sa pamamagitan ng rotational water supply schedule na magtatagal nang walo hanggang 12 oras.

Bukod sa pagbabalik ng suplay ng tubig sa Addition Hills, sinikap din tapusin ng Manila Water ang declogging ng 105 PO bulk meters at paglalagay ng 66mm na tubo na magsisilbing extension upang mas mapabilis ang distribusyon ng tubig sa matataas na lugar at pag-refill sa mga tankers.

Nagdagdag din ito ng apat na static tanks sa Addition Hills Integrated School, DSWD Nayon ng Kabataan at Addition Hills Barangay Hall.

vuukle comment

MANILA WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with