^

Bansa

Dry season simula na

Pilipino Star Ngayon
Dry season simula na
Nangangahulugan ito na natapos na ang northeast monsoon o ang amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
AFP

MANILA, Philippines — Opisyal nang idi­nek­lara ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season.

Nangangahulugan ito na natapos na ang northeast monsoon o ang amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.

Gayunman, makakaranas pa rin daw ang extreme northern Luzon ng tinatawag na occasional northeasterly wind flow o ang mala-amihan na weather system.

Una nang inihayag ni Dr. Analiza Solis, climate monitoring chief ng PAGASA, nasa 80 porsiyento na magtatagal ng hanggang Hunyo ang tagtuyot na tumama na sa 16 na lalawigan.

Pero may ilan din aniyang mga pag-aaral ang nagsasabing mararanasan pa hanggang Hulyo o Agosto ang El Niño.

Ikalawang linggo ng Abril noong 2018 nang ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-init sa Pilipinas.

vuukle comment

DRY SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with