^

Bansa

Biyahe ng gov’t officials dadaan muna kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng gov�t officials dadaan muna kay Digong
Sa ilalim ng Executive Order 77, kailangan aprubado ni Pangulong Duterte ang opisyal na mga biyahe sa ibang bansa ng mga kalihim, pinuno ng government owned ang controlled corporations, pati board members at pinuno ng national government agencies.

MANILA, Philippines — Isang executive order ang ilalabas ng Malacañang na magtatakda ng panuntunan, regulasyon, at papayagang gastos at allowance ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa kanilang biyahe sa loob at labas ng bansa.

Sa ilalim ng Executive Order 77, kailangan aprubado ni Pangulong Duterte ang opisyal na mga biyahe sa ibang bansa ng mga kalihim, pinuno ng government owned ang controlled corporations, pati board members at pinuno ng national government agencies.

Alinsunod sa EO 77 pinapayagan naman ang business class na booking sa eroplano para sa mga biyaheng apat na oras pataas ang haba. Idinetalye rin ng EO ang papayagan lamang na halaga ng daily expenses, allowance, clothing allowance depende sa layo ng biyahe.

Binibigyang-diin din ng EO na bawal na ang travel junkets o ang pamamasyal sa ibang lugar gamit ang pondo ng gobyerno. Bawal na rin ang planning workshops at team building sa labas ng bansa.

Inuutos din ng EO na isang buwan matapos makarating sa bansa, kailangan magpasa ng report sa dinaluhang conference at seminar, kung naging bahagi naman ng international convention ay kailangan bigyan din ng kopya ang Office of the President.

 

vuukle comment

EXECUTIVE ORDER 77

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with