^

Bansa

3,000 huli sa gun ban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3,000 huli sa gun ban
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Spokesman Col. Bernard Banac na mula sa umpisa ng gun ban ng Commission on Elections noong Enero 13 hanggang dakong alas-6:00 ng umaga nitong Marso 21 ng taong ito ay nasa kabuuan nang 3,105 ang nasasakote sa kabuuang 350,663 operasyon ng pulisya.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 3,000 katao ang nasakote sa paglabag sa gun ban kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Spokesman Col. Bernard Banac na mula sa umpisa ng gun ban ng Commission on Elections noong Enero 13 hanggang dakong alas-6:00 ng umaga nitong Marso 21 ng taong ito ay nasa kabuuan nang 3,105 ang nasasakote sa kabuuang 350,663 operasyon ng pulisya.

Nasa 1,690 namang mga suspect ang naharang sa police patrol operation, 637 ang nasilbihan ng search warrant at nasa 504 naman sa Oplan Bakal, Sita, Galugad operation.

 Nasakote rin ng mga awtoridad ang nasa 23 miyembro ng  mga grupong banta sa pambansang seguridad at anim na mga Private Armed Groups (PAGs).

vuukle comment

GUN BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with