^

Bansa

Senado at Kamara mag-uusap sa Lunes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senado at Kamara mag-uusap sa Lunes
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, makikipag-usap sa panig ng Senado si Senator Loren Legarda, chairman ng finance committee, kasama sina Senators Panfilo Lacson at Gregorio Honasan II.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakatakdang mag-usap sa Lunes ang Senado at House of Representatives tungkol sa panukalang 2019 national budget.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, makikipag-usap sa panig ng Senado si Senator Loren Legarda, chairman ng finance committee, kasama sina Senators Panfilo Lacson at Gregorio Honasan II.

Umaasa si Sotto na magkakaroon ng magandang pangyayari sa gagawing pag-uusap para maipasa na ang P3.7 trilyon panukalang budget.

Sinabi ni Sotto na wala naman siyang partikular na utos sa contingent ng Senado lalo pa’t alam niyang ipaglalaban ng tatlong senador kung ano ang naaprubahan at niratipikahan.

Ngpahayag din ng pag-asa si Sotto na madadala na sa Malacañang ang kopya ng enrolled bill para malagdaan ng Pangulo.

vuukle comment

2019 NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with