^

Bansa

Kaso ng dalagitang binalatan ‘di pa sarado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng dalagitang binalatan �di pa sarado
Ayon kay PNP spokesman, P/Col. Bernard Banac, ang NBI Central Visayas na ngayon ang lead agency sa imbestigasyon matapos masakote ang 17-anyos na dating boyfriend ng biktimang si Christine Lee Silawan na isa sa mga itinuturong pangunahing suspek sa krimen.
Alan Tangcawan/Facebook Photo

MANILA, Philippines — Bagaman lutas na ay hindi pa sarado ang kaso ng brutal na pamamaslang sa dalagita sa Cebu na binalatan pa ang mukha.

Ayon kay PNP spokesman, P/Col. Bernard Banac, ang NBI Central Visayas na ngayon ang lead agency sa imbestigasyon matapos masakote ang 17-anyos na dating boyfriend ng biktimang si Christine Lee Silawan na isa sa mga itinuturong pangunahing suspek sa krimen.

Lumilitaw na selos ang motibo sa krimen habang patuloy ang pagtugis sa dalawa pang salarin.

“Base doon sa naipahayag na ng NBI ay nagkaroon sila ng impormasyon na ito ay crime of passion dahil sa relasyon nung suspect doon sa biktima. Ma­tinding bugso ng damdamin, galit or selos patungkol sa kanyang relasyon sa biktima (but) hindi naman titigil doon ang investigation team,” ani Banac.

“Meron pa mga posibleng two suspects na may kaugnayan sa kasong ito kaya patuloy ang pagsuporta ng PNP dahil ang NBI na ang lead agency dito sa investigation at lahat ng mga records na nauna na na­ting hawak ay nakahanda na ibahagi sa NBI regional office 7, kaya masasabi na natin ngayon the murder case is solved but not yet closed,” pahayag ni Banac.

Nasampahan na ng NBI Central Visayas ng kasong kriminal ang dating boyfriend ni Silawan sa Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office na ngayon ay nasa DSWD-7 sa Central Visayas dahil menor de edad.

Ayon pa sa mga awtoridad, makikita sa nirebyu nilang CCTV footages ang suspek habang kasamang naglalakad ni Silawan ilang oras bago naganap ang krimen.

Una na ring inamin ng suspek na pinatay niya si Silawan habang nakunan din ng screenshots ang pagsta-chat ni Silawan at ng kaniyang dating boyfriend na kasama sa ebidensyang hawak ng mga awtoridad.

vuukle comment

CHRISTINE LEE SILAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with