^

Bansa

Maayos na lagay ng Pangulo tiniyak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Maayos na lagay ng Pangulo tiniyak
Ayon kay Panelo, matapos naman daw ang tatlong oras na pahinga ay bumalik na agad sa trabaho ang Pangulo.

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na nasa maayos na kondis­yon si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng hindi niya pagdalo sa ilang event noong Biyernes at Sabado. 

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo,  sumakit ang ulo ni Pangulong Duterte dahil sa migraine kaya kinailangan niyang magpahinga at hindi na siputin ang dalawang event sa Davao City. 

Ayon kay Panelo, matapos naman daw ang tatlong oras na pahinga ay bumalik na agad sa trabaho ang Pangulo. 

Inihayag ni Panelo nitong weekend  naging abala daw si Pangulong Duterte sa ilang papers works at ilang dokumentong kailangan niyang pag-aralan. 

Sinabi ni Panelo na hindi pa nakakabalik sa Maynila at nasa Davao pa rin ang Pangulo.

Tinitiyak naman ni  Panelo na nasa magandang kundisyon si Pangulong Duterte at walang seryosong karamdaman ngayon.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with