^

Bansa

Digong idinepensa ng PDEA sa inilabas na narco list

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Digong idinepensa ng PDEA  sa inilabas na narco list
Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, layunin lamang ng Pangulo na malimitahan at ma-minimize ang korapsiyon sa mga opisyal ng pamahalaan kaya’t nagpasya itong ilabas na ang naturang listahan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Idinepensa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ginawang paglalabas ni Pangulong Duterte ng listahan ng mga pulitikong hinihinalang sangkot sa aktibidad ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, layunin lamang ng Pangulo na malimitahan at ma-minimize ang korapsiyon sa mga opisyal ng pamahalaan kaya’t nagpasya itong ilabas na ang naturang listahan.

Sinabi pa ni Carreon na ang inilabas na narco list ay produkto ng 14 na buwang revalidation at workshop ng Philippine National Police (PNP), PDEA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Interior and Local Government (DILG) bilang resource person.

Matatandaang Huwebes nang isapubliko ng Pangulo ang pangalan ng 46 narco-politicians.

Kabilang dito ang 35 mayors, pitong vice-mayors, isang provincial board member at tatlong miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Paglilinaw naman ni Carreon, partial list pa lamang ito, at maglalabas pa sila ng mga pangalan ng iba pang narco politicians, ngunit kailangan muna nila itong isailalim sa balidasyon, bago tuluyang isapubliko.

Ilan aniya sa mga ito ay inilagay na rin sa civilian list dahil hindi na naninilbihan pa sa gobyerno.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with