‘Chedeng’ pumasok na
MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression “Chedeng” na inaasahang magpapaulan sa dalawang rehiyon sa Mindanao sa susunod na araw.
Ayon kay PAGASA weather bureau Gener Quitlong, dakong ala-1:00 ng hapon ng pumasok sa PAR si “Chedeng” na nananatiling isang tropical depression na may lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na aabot sa 60 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kph sa pakanlurang direksyon patungong Davao region sa eastern Mindanao.
Sinabi ni Quitlong na wala pang direktang epekto ang masamang lagay ng panahon sa anumang bahagi ng bansa.
- Latest