^

Bansa

10 kabataan sa India arestado sa paglalaro ng PUBG

James Relativo - Philstar.com
10 kabataan sa India arestado sa paglalaro ng PUBG
Pinakawalan muna ang mga estudyante matapos maghain ng piyansa, ayon kay police inspector V.S. Vanzara nitong Huwebes.
Videograb from PLAYERUNKNOWN'S BATTLEGROUNDS official Youtube channel

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad sa India ang 10 estudyante matapos mahuling naglalaro ng PUBG, isang sikat na video game.

Nangyari ang mga pag-aresto nitong Miyerkules sa Gujarat, isang state na nagpatupad ng ban sa larong PUBG noong nakaraang linggo dahil sa diumano'y epekto nito sa pag-uugali at pananalita ng mga naglalaro nito.

Ang PUBG, o PlayerUnknown's Battlegrounds, ay isang online multiplayer "battle royale game" kung saan nagbabarilan hanggang magkaubusan ang hanggang sa 100 manlalaro matapos mag-parachute sa iisang isla. Maihahalintulad ito sa iba pang laro tulad ng "Fortnite" at "Rules of Survival."

Pinakawalan muna ang mga estudyante matapos maghain ng piyansa, ayon kay police inspector V.S. Vanzara nitong Huwebes.

Sa panayam ng Indian Express, sinabi naman ni Rohit Raval, isang police official, na sa "sobrang nakaaadik ng laro" ay hindi na napapansin ng mga suspek na papalapit na ang mga pulis sa kanila.

"This game is highly addictive and the accused were so engrossed in playing them that they could not even notice our team approaching them,” paliwanag ni Raval.

Tanging Gujarat pa lang ang Indian state na nagbabawal sa larong ito, na 100 milyong beses nang na-download sa buong mundo.

Gayunpaman, ikinababahala na ito sa iba't ibang bahagi ng India, kung saan kalahating bilyon na ang online.

Ayon sa ilang magulang at guro, naeengganyo raw nito na maging bayolente ang mga bata't nailalayo mula sa kanilang pag-aaral.

Dati nang tinawag bilang "demon in every house" ni Goa state information technology minister Rohan Khaunte ang PUBG.

Noong isang buwan, nagreklamo ang isang nanay kay Indian Prime Minister Narendra Modi dahil sa kaadikan ng kanyang anak sa online games.

"Is this the PUBG one?" ang tugon ng PM.

vuukle comment

INDIA

PUBG

VIDEO GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with