^

Bansa

Batas na 'magpapasimple' sa pag-aampon pinirmahan ni Duterte

Philstar.com
Batas na 'magpapasimple' sa pag-aampon pinirmahan ni Duterte
Inilabas ng Malacañang ang kopya ng Republic Act 11222 o Simulated Birth Rectification Act nitong Huwebes na nilagdaan noong ika-21 ng Pebrero.
File

MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapadali sa proseso ng adoption sa bansa.

Inilabas ng Malacañang ang kopya ng Republic Act 11222 o Simulated Birth Rectification Act nitong Huwebes na nilagdaan noong ika-21 ng Pebrero.

Sa ilalim nito, bibigyan ng amnestiya ang mga "nagdoktor" ng dokumento para pagmukhaing biological mother ang kumupkop sa bata lalo na kung para ito sa kanyang kapakanan.

Tumutukoy ang simulation of birth record sa:

"[T]ampering of the civil registry to make it appear in the record of birth that a child was born to a person who is not such child’s biological mother, and causing the lost of the true identity and status of such child."

Aayusin din nito ang status at "filiation" ng bata na sinimulate ang kapanganakan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng benepisyo ng inampon. 

Kaugnay nito, makukuha na niya ang lahat ng karapatan ng isang legally adopted child.

Magbibigay daan din ang batas para sa mas simple at murang "administrative adoption proceeding" para sa mga batang tatlong taon pataas nang nakatira sa mga nag-simulate ng kanilang birth record.

Paano ang proseso?

Para makakuha ng amnestiya, kinakailangang maghain ng petition for adoption at application for the rectification of the simulated birth record sa loob ng 10 taon ng pagkakapasa ng batas.

Kakailanganin din ang sertipikasyong mula sa Department of Social Welfare and Development upang magideklara ang bata bilang "legally available" para maapon.

Kung makukuha ng mga ito, hindi na mapapatawan ng criminal, civil o administrative liability ang nabanggit.

Pinarurusahan pa kasi ng RA 8552 o Domestic Adoption Act ang mga gumawa ng pekeng rehistro ng kapanganakan ng bata sa ilalim ng 'di niya tunay na magulang.

Ayon kay Sen. Grace Poe, principal author ng Simulated Birth Rectification Act, pinahihirapan ng nasabing probisyon ang mga karaniwang Pilipino na mag-ampon.

Kilala rin ang senadora bilang adopted daughter ng yumaong "Hari ng Aksyon" na si Ferdinando Poe Jr.

Sa ilalim nito, kinakailangan ding Filipino citizen ang mga nag-aampon, 18-anyos pataas, may full civil capacity at legal rights, may "good moral character," hindi pa nakukulong sa krimen na may kinalaman sa "moral turptitude" at may kapasidad para magbigay ng suporta sa bata.

Para sa mga banyagang kasal sa Pilipino, kinakailangang tatlong taon na siyang nakatira sa Pilipinas bago ihain ang petition for adoption.

Imbis na dumaan sa court proceedings, maaari nang maghain ng petisyon sa social welfare and development officer ng lungsod o bayan kung saan nakatira ang bata.

Dedesisyunan naman ng kalihim ng social welfare ang petisyon 30 araw mula nang matanggap ang rekomendasyon ng regional director ng ahensya.

Oras na maisumite ang lahat ng rekisitos, kikilalanin na ang bata bilang lehitimong anak at bibigyan ng lahat ng karapatan at obligasyon na iginagawad ng batas.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Senado, aabot sa 6,500 bata ang naideklara nang available for adoption — 4,000 sa kanila ay nasa pangangalaga ng mga pasilidad ng gobyerno.

Ipinasa sa Kamara ang House Bill 5675 noong ika-12 ng Disyembre 2018, habang inaprubahan naman ng Senado ang Senate Bill 2081 noong ika-13 ng Disyembre 2018.

vuukle comment

ADOPTION

GRACE POE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with