^

Bansa

Water shortage iimbestigahan ng Senate, House

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Water shortage iimbestigahan ng Senate, House
Itinakda ng Senate committee on public services ang pagdinig sa Marso 19.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado at Kamara tungkol sa nangyaya­ring water shortage sa Metro Manila at iba pang mga probinsiya sa bansa.

Itinakda ng Senate committee on public services ang pagdinig sa Marso 19.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, kailangang malaman kung bakit hindi kaagad nakita ang nakaambang problema sa tubig.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, hindi normal ang nangyayari at hindi ito dapat maranasan ng mga mamamayan at mga magsasaka.

Ipapatawag sa pagdinig ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, mga pinuno ng mga water concessionaires, regulators at iba pang stakeholders para pag-usapan ang problema at kung papaano ito masosolusyunan.

Samantala sa House Resolution 2518 ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, hiniling niya na atasan ang Committee on Good Government and Public Accountability na tukuyin ang dahilan ng pagkawala ng supply ng tubig at ano ang epekto nito sa mga consumers at implikasyon sa kalidad ng pagbibigay ng serbis­yo ng tubig.

Base pa sa resolus­yon, na bagamat may inilabas na anunsiyo ang Manila Water noong March 8 na magkakaroon ng operational adjustment sa East Zone, hindi naman nakasaad ang petsa at oras ng pagkawala ng supply ng tubig.

Umabot na sa 108 lugar ang inabisuhang kasama sa water interruption subalit maski ang ilang lugar na hindi nabanggit ay nakaranas din ng mahinang pressure o kawalan ng tubig.

Para naman kay PBA partylist Rep. Jericho Nograles, “mismanagement” ng Manila Water ang dahilan kaya nagkakaroon ng water shortage at hindi ang El Niño.

vuukle comment

WATER SHORTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with